Hare Hare Yukai (Tagalog)
ORIGINAL SONG TRANSLATION
================================================================
Lyrics:
[[Kakantahin ko ‘tong kantang ‘to ng Buong Puso. Kaya sana makinig kayo sa salin ko ng “Hare Hare Yukai” *sigh*]]
Alam mo ba, kung kaya ko lang Malutas ang mga Misteryo sa Mundo
Ako’y tatahimik at ‘di magsasabihin sa’yo
Siguro nga ay Hinihiling mo na ako’y maging kasigla’t kasaya mo
Pero sa pagtatapat hindi ako ganong tao
Tapos ang Oras napa BOOOONNN!!!!
Dahil sa mga kakaibang pangyayari
Ako’y napasali, pagkatapos ang kahahibangan mo ang sumipil sa mundo [[Tulungan niyo ko!]]
Isang araw na maaliwas
Siya na patuloy maghanap
ng mga bagay na imposible
na panggulo lang sa akin [[Ikaw ‘yon, alam mo, ikaw ‘yon]]
Maliligtas pa kaya ‘ko bukas
Gulat ako na ako’y buhay pa
Kung masaya ka na, lubayan mo na ‘ko [[Laban!]]
Kung tapos ka na, Uuwi na ‘ko
Habulin, pangarap mo [[Gawin mo mag isa]]
Subukan mo’ng hulihin [[Gawin mo mag isa]]
Dahil ako’y Wala, Wala, Wala ko ‘non [[Bigyan mo ‘ko ng pahinga]]
May isang bagay na alam ko, na hindi mo kayang alamin ang hinaharap
kahit na maraming posibleng hinaharap
Bakit ka ba, nakatingin sa akin, alam ko na ang mga iniisip mo [[P’wede pa bang Umalis?]]
Humihiling ako na sana’y, may magligtas sa ‘kin
Sinasayang niya ang Oras ko, Byuuuunnn! [[BYUUUUNN!!!]]
Kahit na, medyo masaya ang aming ginagawa
Pinipilit mo ‘ko na gawin ang mga bagay na hindi ko, gustong gawin [[Hay!]]
Pwede bang lubayan mo na ‘ko
Kailangan mo maintindihan
Na ang isip mong, puro ka weirdohan, ang sisira sa Mundo [[Hindi maganda ‘to]]
Wag ka ngang mag padalos
Isipin mo muna bago gawin
Ang hiling ko lang, mag bago ka na
baka maasar mo pa ako [[Magpahinga ka nga muna]]
Kung ‘san ka man magpunta [[Tama]]
Lagi mo ‘kong dinadala [[Tama]]
Ang Puso ‘koy parang, parang, sasabog na [[Aatakihin na ‘ko sa Puso]]
(Boooonn! Sa lahat ng mga kakaibang pangyayari, Ako’y napasali ‘tapos ang kahahibangan niya ay, ay lumalakas at su-SUMIPIL SA MUNDO!)
[[Cha-Cha-ChaGaCha]]
[[Hoy!]]
Isang araw na maaliwas
Siya na patuloy maghanap
ng mga bagay na imposible
na panggulo lang sa akin [[Ikaw ‘yon, ikaw ‘yon]]
Maliligtas pa kaya ‘ko bukas
Gulat ako na ako’y buhay pa
Kung masaya ka na, lubayan mo na ‘ko [[Laban!]]
Kung tapos ka na, Uuwi na ‘ko
Habulin, pangarap mo [[Gawin mo mag isa]]
Subukan mo’ng hulihin [[Gawin mo mag isa]]
Dahil ang ‘yong gusto, gusto ay pangarap lang
[[Tara na, Sasamahan kita]]